Gilette

Isang araw nahiwa ko sarili ko
dahil sa pagtatabas ng buhok sa legs ko
Nahiwa ko ang bandang parte sa ankle

May kalaliman ang sugat.

Ayaw tumigil ng pag-agos ng dugo
Kahit ilang pilit na hugasan
Ayaw pa rin.
Parang Maria Cristina falls pero kulay pula.

Kasalanan mo kasi 'to
Bakit ka pa kasi gumawa ng liham
Sana tinanggal mo na lang ako sa friends list mo
Sana Bina-lock mo na lang ako sa contacts mo
Sana tinanggal mo na lang ang pangalan ko sa puso mo
Pero hindi

Ang tigas ng ulo mo.

Langya ka.

Hindi ka na nakonsensiya.

At ano, babalikan mo ako isang araw?
Kung kailan mo ninanais?
At bakit sa lahat ng lugar
Dun pa sa malapit sa bayan ko?

Anong gusto mo ipahiwatig?
Na madali akong puntahan kung naisip mong puntahan ako?

Puwes.
Huwag mo nang ituloy.

Huwag ka nang magparamdam.

At kung may balak ka pang makipag-usap sakin
Diretsuhin mo na ako.

Na hindi mo talaga ako mahal.
Na hindi mo ako kailangan.
Na hindi ako ang para sayo.

Totoo naman diba?

O, bakit ang tahimik mo?
Ayaw mong pag-usapan?

Ngayon ako naman ang tinatanong mo.

Puwes, hindi ako magsisinungaling sayo.
Dahil kung ito ang hiniling ko
Sana ako na lang ang lumayo
Pero babae lang ako; mahina, emosyonal.

At palagay ko, talagang nahulog na ako sayo.
Kahit anong pilit ko, wala akong
laban
Dahil mahina ako.
At mahal kita.

Comments

  1. do you love the blade, the wound or the guy? Neeehh... they're all the same..

    ReplyDelete
  2. dapat may english translation..
    para makarating sa kinauukulan..^_^

    ReplyDelete
  3. Hay naku APOL...di na kailangan. MATALINO yun..nakakaintindi yun. Di na kailangang i-translate :D

    ReplyDelete

Post a Comment

What do you think about Pink's note? Write 'em up!

Note: You don't have to be a member of Blogspot or Google mail to write a comment. ^^

Popular Posts