Sebo de Macho

Lagi kitang nakikita sa grocery stores at bilihan ng mga gamot. 
Pero di ko alam kung para saan ka.
Basta lagi kitang nakikita...madalas papansin ka talaga. 
SEBO DE MACHO.
Palakihan pa ng logo sa bawat lalagyan na gawa sa lata.
SEBO DE MACHO.
Uulitin pa. SEBO DE MACHO.
Ano ka ba talaga? Gamot---o grasa ng mga guwapong lalake na may anim na abs?
Parang kadiri naman nun...!


Ilang taon rin bago ko maintindihan kung paano at saan ka ba ginagamit.
Hindi kasi ako nagtatanong sa mga kaibigan ko, o mga magulang ko.
Kay Google man hindi ko naisip. 


Ngayo't matanda na ako, saka ko lang nalaman ang tunay na gamit nito.
Salamat sa kanya; kung hindi pa niya binanggit yon eh hindi ko talaga sasadyaing bumili nito.
Malakas kasi siya sakin. 


Sa pisikal na buhay, gamit ito para sa pagtatanggal ng kahit anong peklat sa kahit saang parte ng katawan. Oks, diba? Sa murang halaga nito, matatanggal na ang karamihan sa dumi ng katawan na sanhi ng pagsusugat. Matagal man ang proseso ng paggaling nito, umeepekto siya.
At ang ganda na ulit ng kutis mo!


Eh kung sa totoong buhay kaya--sa mga iba't ibang panig ng kadramahan ng buhay..maging ito man ay ukol sa trabaho, pamilya, at ang pinaka-nakakakilig mong buhay. Mayroon kayang mabisang sebo de macho?


Meron naman. Pero nasa sa atin na iyon kung gagamitin natin.




--English translation--


I see you so often in grocery and drugstores. 
But I don't know your purpose.
What I do know is that I always see you...oftentimes you just catch my attention.
SEBO DE MACHO.
It even varies with the logo size according to its tin container.
SEBO DE MACHO.
Once again, SEBO DE MACHO.
What are you, really? An ointment--or simply grease coming from six-pack hunks?
That kind of sounds gross...!


It took several years before I understand and knew how and when to use you. 
Well i didn't ask my friends or parents.
Nor even thought about Googling it.


It was now I'm an adult that I discovered its true purpose.
Thanks to him; if he didn't mention that I wouldn't bother buying one.
Truth be told, he just weakens me.


In the physical life, this is used to remove any scars in any location of the body.  Isn't that cool? With its cheap price, most of the body blemishes are removed completely. Though the process be long, it is effective.
And oh, how your skin glows!


But how about in real life--in all parts of the ailments of life..whether this be at work, family, and the mushy life. Would there be an effective sebo de macho?


Of course, there may be. But it will be up to us if we use it properly.


*  *  *

Comments

Popular Posts