Baliw

Tulala sa kawalan
Blanko ang isip; tumatakbong tibok ng puso
Laman ng damdamin ay punung-puno
ng iyong imahe
Na parang nakapako na sa nababaliw na konsiyensiya

Maya-maya ay pipindot ng replay sa youtube
Pakikinggan ang mga kantang nakakakilig
Ngunit naiwan lang sa malubhang pagluluha
At mukha ko'y nagmukhang naluging Intsik

Araw-araw iniisip ka
Gabi-gabi napapanaginipan ka
Bawat oras pinagdarasal ka
Na sana'y maintindihan mo rin ako

Umaasang balang araw
Ika'y tunay na mapasaakin
At nang matahimik ang nangungulit na puso
At sa huli'y lumigaya rin

Kapag tayo'y nagkikita
Halos walang kibo, parang di magkakilala
At pagtalikod ng isa't isa, mga ngiti'y
parang walang hanggan

Kailan ba matatapos ang pagbabalatkayong ito
Na kahit sa hanggang ngayon, sa iyo'y sadyang nalilito
Di ko matanto ang laman ng iyong isipan
Sapagkat ang iyong katahimikan ay ang aking kabaliwan..







Comments

Popular Posts