Patalim / Blade

Hapunan nanaman, at kakainin ko nanaman
ang nakakasawang delata't instant noodles.

Pagkatapos, maghuhugas na kami ng
pinggan ni Itay.

Hawak ko nanaman ang kutsilyong
pula ang hawakan
Parang may binubulong sa akin

"Kunin mo na ako..
Biglain mo na ako.
Tutal wala ka nang magagawa."


Ilang araw rin nga naman akong nagtiis
Ilang buwan rin akong lumayo sa kabaliwan

Pero parang kahit anong oras, bibigay na ako
Dahil wala nang nakakatuwang imahe ang
pumapasok sa utak ko

Puro ang kutsilyo lang ang nilalaman.

Lalo na't nagiisa ako ngayon sa bahay.
Walang tao
At lalong lumalakas ang bulong

Iniimbita ako sa kusina
Para damputin ang namumulang
kutsilyo.

"Bumigay ka na.." sabi nito.

Ngunit kapag ipipikit ko ang aking mga mata
At iisipin kung pano nga ba magbawi ng
sariling buhay
Baka lalo lang akong magsisi

Nakakaawa nga namang makita ang ama kong
lumuluha sa duguan kong katawan paguwi niya
At ang ate kong hirap na hirap sa pag-ipon
ay iaalay lang lahat para sa kabaong ko

At baka lalong hindi pa matuloy ang mga
pangarap ng utol ko.
Kawawa naman.

Siguro sa isip ko na lang ako magpapakamatay
araw-araw.
Kunwari sinasaksak ko na ang sarili ko.
Kunwari patay na ako.

Tutal hindi ko na rin nakikita ang mga kaibigan ko
At nag-iisa na nga lang talaga ako.

Kunwari nga..patay na ako.

---

It's dinner again; time to eat the never-ending
canned goods and instant noodles.

And then I go dish washing with father.

Here I go, gripping the same knife with the
red handle
As it seemingly whispers at me

"Take me now..give it a try.
After all, you don't have a choice left to do."

Indeed, it had been days that I struggled enough
Months that fought insanity

But it appears that in anytime, I would give up
Because there's not an image of hope left
in my mind

Except for that distinctive kitchen knife.

..Especially that I'm here, left home alone.
And the whisper continuously cries out;

"Just give in," it says.

But every time I try to close my eyes
And imagine how it feels to take my own life
I might blame myself even more

Indeed it would be a depressing sight
to see my father weep for my bleeding body

And my sister who worked hard for such a
small amount of cash to just throw it away for my coffin

And so to speak, my young brother who is yet
to continue his studies.
Such a pity indeed.

Perhaps I'd just likely imagine
killing myself day by day
As if I am trying to stab myself hard enough.
Just dreaming that I'm dead.

After all I barely see my friends nowadays
And I am left here all alone.

I'll just imagine me dead.

Comments

Popular Posts